Live-in lang.
Yang ang madalas na binabanggit ng mga magkarelasyon na walang bisa ang kasal ngunit nagsasama. ‘Lang‘, may tila pangit na connotation.
Alam naman nating marami na ang nag-lilive in sa Pilipinas. Walang masama dito. Hindi ito, ‘lang’ dahil hindi man alam ng marami, tanggap na ito sa batas ng ating bansa. Ang mga nag-sasama na walang bisa ng kasal ay tinatawag na ‘common-law marriage‘.
Common-law marriage is defined in The Dictionary of Legal Terms, as “one based not upon ceremony and compliance with legal formalities but upon the agreement of two persons, legally competent to marry, to cohabit with the intention of being husband and wife, usually for a minimum period of seven years.”
Magkaiba man ang karapatan at responsibilidad ng mga live-in partners kumpara sa mga legal na ikinasal, protektado at well-recognized pa din ito ng batas sa Pilipinas.
Ayon sa Article 147 of the Family code:
When a man and a woman who are capacitated to marry each other, live exclusively with each other as husband and wife without the benefit of marriage or under a void marriage, their wages and salaries shall be owned by them in equal shares and the property acquired by both of them through their work or industry shall be governed by the rules on co-ownership.
In the absence of proof to the contrary, properties acquired while they lived together shall be presumed to have been obtained by their joint efforts, work or industry, and shall be owned by them in equal shares. For purposes of this Article, a party who did not participate in the acquisition by the other party of any property shall be deemed to have contributed jointly in the acquisition thereof if the former’s efforts consisted in the care and maintenance of the family and of the household.

Proktektado din ang mga common law marriages ng property regime ng bansa. Ito ang mga ilan sa dapat nating tandaan kung tayo ay papasok sa isang common law marriage.
- Ang mga ari-arian na inyong naipundar habang kayo ay nagsasama at maiituturing na pagaari ninyong dalawa.
Kahit ang isa ay isang stay-at-home mom, at iyong live-in partner ang nagbabayad ng isang kotse o bahay, may karapatan pa din ang iyong live-in partner sa ari-arian dahil nakuha ito sa pamamagitan ng inyong ‘joint efforts’. Maituturing na contribution ng isang stay-at-home partner ang pag-aalaga sa mga bata at pagtulong sa gawaing bahay.
- Kung ang iyong kinakasama ay naikasal bago ang inyong pagsasama,
Ayon sa Article 148, Tanging ang mga ari-arian na naipundar gamit ang pera ninyong dalawa ang i-kokonsider na ‘joint ownership’. Kung bumuli ka ng bahay gamit ang sarili mong pera, hindi ito pwedeng angkinin ng iyong live-in partner (given na may proof ka).
Kung kayo ay maghihiwalay, ang mga ari-arian na inyong naipundar gamit ang inyong joint account/asset ay hahatiin ayon sa inyong naibahagi. Kung walang maisumiteng proweba ang magkabilang panig, ito ay hahatiin ng pantay.
Maari ding angkinin ng kanyang asawa ang bahagi ng iyong live-in partner. Mananatiling may right to claim ang legal wife.
- Hindi maaring ibenta, idonate, o ipamahagi ng iyong live-in partner ang inyong mga ari-arian na walang ang iyong pahintulot.
Dahil ang mga ari-arian ay ‘joint asset’ ng common law partners, kinakailangan may pahintulot ng magkabilang panig kung ninanais ibenta ang mga ari-arian. Ngunit, kung natapos na ang pagsasama, maari na itong ibenta o ipamahagi na may kaakibat na proseso.
- Kapag pumanaw ang iyong live-in partner, maari mo lamang angkinin ang iyong bahagi.
Ang parte ng iyong ka-live in partner ay maaaring angkinin ng kanyang mga anak o magulang. Kung ang itong live-in partner ay may asawa, may karapatan din ito sa ari-arian kung ito ay nakuha gamit ang inyong mutual funds.
- May karapatan ng isang illegitimate child sa equal na suporta mula sa magulang.
Ayon sa Articles 195 and 196 of the Family Code of the Philippines, may obligasyon ang magulang na magbigay supporta para sa panga-ngailangan ng legitimate or illegitimate children. Ang korte ang siyang madedesisyon ayon sa pangangailangan ng bata at kakayahan ng magulang.
- Hindi sakop ng common law marriage ang infidelity at adultery.
Unfortunately, walang legal bound and common law marriages kung sa mismong relasyon. Hindi maituturing na infidelity or adultery kung nakiapid ang iyong karelasyon kung hindi kayo legal na naikasal.
Tandaan, hindi man kayo legal na kasal, ikaw ay protektado ng batas. Importanteng malaman natin ang ating mga karapatan lalo’t nagbubuhos tayo ng taon at oras sa isang relasyon.
DISCLAIMER: Hindi po ako legal attorney. Lahat ng ibinahagi ko sa blog na ito ay base sa aking nabasa mula sa ibat-ibang sources. Para sa legal advice, maaring sumangguni sa isang lehitimong abogado.

May itatanong po ako sana pero kung hindi rin po masasagot ay okay lang po.. call center po kase ang asawa ko at may insurance sila dito at nilagay nya po ako kasama ang anak namin at mga naging anak niya kaso po kasal pa rin po sila ng asawa niya.. magkakaroon nga po ba ako ng karapatan dun kung kasal pa rin siya sa dati niyang asawa.? Hindi sila nagpa annul or ano pa man po.. basta naghiwalay na sila ng walang kasulatan na hiwalay na sila.. wala naman po kase kaso sa akin yun kung hindi ako makasama dun ang importante kasama ang anak namin sa kung ano ang makukuha ng ibang anak niya..
LikeLike
Hi Lyka, ano po bang type ng insurance?
LikeLike