
Sa panahon ngayon, kailangan hindi lang sa virus protected. Mahirap magbuntis sa gitna ng pandemic, kung ayaw masundan ang iyong anak, protect yourselves too! Gumamit ng #contraceptives.
Ngunit, madalas na tanong nating mga babae ang:
Ano ba ang contraceptives na dapat sa akin?
Tignan ang gabay na ito upang malaman ang tamang birth control method na akma sa inyong mag-asawa:
Paano ito gumagana?
Laging tandaan na ang pinka-epektibong contraceptive ay absitinence. Ngunit, kung pipiliin nyong magkaroon ng sexual intercourse, maari kang gumamit ng birth control methods upang magkaroon ng mas maliit na tsansang mabuntis.

Ilan sa mga epektibong birth control methods ay:
- hormonal intrauterine device o IUD (99+% effective)
- birth control implant (99+% effective)
- surgical sterilization o pagpapatali (99+% effective)
Ilan pang epektibong paraan ay:
- birth control shot (94% effective)
- birth control pills (91% effective)
- standard days method (88% effective)
Ang condom naman ay 84% effective. Ngunit maari ring gamitin ang condom upang hindi magkaroon ng mga sexually transmitted infections (STIs). Habang ang withdrawal ay epektibo lamang ng 78%.
Paano ito gamitin?
May mga contraceptives na mas madaling gamitin kung ikukumpara sa iba. Madalas na mas madaling gamitin ang mga contraceptives na may mas matagal na bisa gaya ng IUDs, birth control shots, at implants.
Samantalang mas kailangan ng atensyon at kaalaman sa paggamit ng ibang contraceptive gaya ng pills at condom. Mas mawawalan ng bisa ang pills kung hindi araw-araw ang paginom.
Kinakailangan may sapat kang kaalaman kung papano gamitin ang iyong napiling contraceptives upang maisiguro na epektibo ito.
Makakaapekto ba ito sa iyong hormones?
May iilang uri ng birth control ang nagbibigay ng synthetic hormones gaya ng estrogen at progesterone (progestin). Ang mga hormonal birth control ay may maaaring makaapekto sa iyong pangkalahatang emosyon, menstration, at kalusugan.
Mas mabuti rin sumangguni sa doktor upang malaman ang iba pang side effect ng bawat birth control method. Lagi ring tandaan na ang side effects ay magkakaiba sa bawat babae. Maari kang magkaroon mas higit na di kanais-nais na side effect kumpara sa iba.
Kapag nagkaroon ng hindi kanais-nais na side effect ang paggamit ng birth control, ipagbigay alam ito sa iyong OG-GYN at sumubok ng ibang birth control method.
Magkano ang iyong gagastusin?
Ang halaga ng bawat birth control method ay depende sa brand at kung saan mo ito nabili. Mas mainam na sumangguni sa inyong barangay health centers upang makakuha ng libreng contraceptives.
Tandaan…
Ang pagpili ng birth control method ay nakadepende sa iyong medical history, pamumuhay, at kagustuhan. Mainam na alamin ang ibat-ibang uri ng contraceptives upang mapagpasyahan mo itong maigi. Huwag din kalimutang sumangguni sa iyong doktor para tamang gabay.
